mahal kita mahal na mahal… kaso ni isang salitang mahal hindi mo nararamdaman para sa akin…..
- Space (“You can’t become playful, and therefore creative, if you’re under your usual pressures.”)
- Time (“It’s not enough to create space; you have to create your space for a specific period of time.”)
- Time (“Giving your mind as long as possible to come up with something original,” and learning to tolerate the discomfort of pondering time and indecision.)
- Confidence (“Nothing will stop you being creative so effectively as the fear of making a mistake.”)
- Humor (“The main evolutionary significance of humor is that it gets us from the closed mode to the open mode quicker than anything else.”)
today is his special day…. few months ago I was thinking about this day.. I was planning ti make it special by surprising him…. but it didn’t happen and it’s not going to happen.. He’s not with me anymore

As if I could stop loving you. As if I would want to give up the thing that makes me stronger than anything else ever has. Since the first time I saw you, I have belonged to you completely. (City of Glass)
masakit pala ang pakiramdam ng natututo sa buhay…. hindi ko maipaliwanag ang sakit, hapdi at kirot na nararamdaman ko ang tanging masasabi ko lamang masakit masakit masakit:-( </3
Akala ko siya na yung lalake na makakasama ko sa buhay ko. mahal ko siya at hindi ko alam bakit…. kapag magkasama kami wala akong ibang nararamdaman kundi saya…. masayang masaya ako kapag siya ang kasama ko. tawanan, asaran, sweet, at higit sa lahat alam mong nasa tabi mo siya….
ang sarap ng pakiramdam ng may inspirasyon, sa bawat umaga na pag gising mo may mababasa kang “gud morning” simpleng mensahe pero nakaka pag pagaan ng araw, yung nararamdman mo na gumigising ka sa umaga para lumaban at makasama siya sa buhay mo…. yung pakiramdam na magka text kayo, magka usap sa cellphone, at kahit di mo siya kasama parang kasama mo pa rin sya dahil magkatext kayo buong maghapon…. walang kasing sarap ng pakiramdam na may nagpapa ngiti sa yo…. yung bigla bigla kang itetext kung kumain ka na? anong ginagawa mo? yung bigla lang syang magtetext ng “ate???” tapos pag tinanong mo “wala lang miss lang kita…..” ang sarap ng pakiramdam nakakatuwa….
yung mga asaran niyo na nauuwi sa tawanan, minsan seryoso at kapag naririnig mo ang boses niya parang napaka gaan ng pakiramdam…
sa kabila ng lahat ng pagkaamali, hindi pagiging perpekto. minahal at tinaggap mo siya. yung kahit alam mong may problema positibo mong iniisip na kaya mo yan, kaya nyo yan, basta bat magkasama kayo sa laban ng buhay malalagpasan niyo ang lahat…
higit sa lahat yung pagiging magkaibigan niyo sa isat isa yung ang pinaka mahalaga, dahil dun kasyo nag umpisa….
ang sarap isipin, ang sarap ng pakiramdam…. lalo nat mahal na mahal mo ang taong yun…
ngunit hindi natin hawak ang panahon.. may mga bagay bagay na talagang hanggang dun na lang…. hindi natin alam kunga hanggang kelan at hangang saan,
kahit gaano mo pa kamahal ang taong yun kung hindi sya para sayo mawawala at mawawla talaga siya sayo….
masakit, mahirap at mabigat sa kalooban… lalo nat malalaman mong may mahal na pla siyang iba…
kahit gaano pa kasaya ang pinag samahan niyo, kahit anong effort ang ginawa mo, kung hindi ka na talaga niya mahal, mababale wala ito at mauuwi sa wala…
gustuhin mo man siyang ipaglaban pero alam mong sa laban na yan matatalo ka rin.
malungkot, lalo nat pag gising mo sa umaga makikita mo ang cellphone mo na walang message. wala nang “good morning”, “breakfast kana”, “ingats”, “have a nice day” at sa buong maghapon gustuhin mo man siyang itext pinipigilan mo ang sarili mo kasi para san pa ang text mo kung alam mong bale wala ka na sa buhay niya?
nag desisyon ka na putolin na lahat ng namamagtian sa inyo, pero masakit kasi naiisip mo pa rin sya habang siya hindi ka man lang naaalala….. habang nagluluksa ka siya, naman ay nagsasaya…. nasasaktan ka pero siya patuloy na nagmamahal sa piling ng iba…
masakit, gustuhin mo man umiyak pero sa bawat patak naman nito ay walang magagawa…
hindi mo na pwedeng ibalik ang dati at ang pwede mo ang gawin sa panahong ‘to ay sariwain ang mga naiwang ala-ala
MOVE ON ang sabi ng karamihan…… HINDI SIYA WORTH IT SA PAGMAMAHAL MO.
oo tama kayo pero kahit ganon may mga ala-alang nabuo, at hindi ganon kadali gawin ang mga bagay na yun lalo pat nasasaktan ka…. madaling sabihin pero mahirap gawin….
ang mas nagpapadagdag pa sa bigat na nararamdaman mo ay yung mga tanong na “bakit” na kahit anong gawin mong tanong ay ni isang sagot wala kang maririnig…
masarap mag mahal pero walang katulad naman ang sakit na mararamdaman mo kapag hindi pala siya ang taong nakatadhana sayo.
balang araw malalampasan ko rin to. balang araw magiging okay rin ako. yun nga lang hindi ko alam kung kelan at papano….
sana masaya siya, at sana malaman niya na mahal na mahal ko siya kahit di niya ako mahal :’(

